Today is Sunday, araw para kay God. Nag 2nd service ako, Hindi pa nagsisibabaan ang mga nag- 1st service, so it means na hindi pa tapos ang Sunday school. Isa si Dan sa naabutan kong naghihintay sa baba ng church. Well, he has a news. Actually nung narinig ko yung news nya, I don't know what to react. Happy for him but in the first place ay nalulungkot. Mamimiss namen sya if ever matuloy syang magtrabaho sa Pangasinan. Isa pa naman din sya sa inaasahan kong tutulong sa paglelead ng mga Young PRO. Anyway, nakikita ko naman na gusto nya at masaya sya sa work na meron sya ngayon. Training pa lang sya at kung sakaling pumasa sya, possible na iwan nya kami at pumuntang Pangasinan. Sinabi naman nyang uuwi sya ng weekend pero sa isip-isip ko mukhang malabong mangyari yun.Nagulat din si Mitch ng malaman nya ang balita, at isa din sya sa hindi natuwa. Hahaha! Mga tunay talaga kaming kaibigan. Actually, wla na rin naman kaming magagawa kung talagang buo na ang desisyon ni Sardanni na tanggapin ang trabaho. Anyway, I don't know if alam na ni Ronnie ang tungkol sa balak ni Sardanni, tiyak isa si Ronnie sa malulungkot.
Napag-usapan din namen nila Dan at Mitch na magkita kita after lunch, bisitahin namen si Annie dahil ayon kay Dan nandyan daw si Annie sa house ng parents nya ngayon. Nakasalubong kasi ni Dan ang father ni Annie at sinabi ngang baka umuwi si Annie this Sunday. Excited na kaming makita sya especially her baby.
Pumunta si Dan sa bahay ng mga tanghali, he needs to review kaya nakigamit ng netbook ko. I also received a text from Mitch, she said na baka mga hapon pa dumating si Annie. I replied na punta na lang sya sa house at dalhin ang laptop nya. I want to test if may security talaga yung wifi namin sa bahay. Pumunta si Mitch sa bahay, late na nyang nareceive ang text ko kaya hindi nya dala ang laptop. Kinalaunan ay umuwi na rin sya para kunin ang kanyang laptop. Umalis ang parents ko kaya kami lang ni Chaneth ang naiwan sa bahay plus ang tropa. Pinanood uli namen ang BURLESQUE sa laptop ni Mitch, nanghingi din ako kay Mitch ng copy ng movie na ito. Ganda talaga ng movie at hindi nakakasawang ulit ulitin. Wala si Ron ng mga oras na ito, pumunta kasi sya sa house ng TL nya. Sayang naman!!
Hindi rin namen napanood ng buo ang movie dahil may lakad kami ng alas singko pero bago maghiwa-hiwalay, napag-usapan namen na pupunta kina Jeck after sa church. Tomorrow is Jeck's birthday and today ang kanyang celebration, sabay sa birthday ng kanyang kuya Jessie boy.
Pumunta kame ng church ng alas singko para sa discipleship training. Mabilis lang kame natapos, halos walang pang isang oras. Nag discuss lang si Pastor sa mga plano at schedule ng bawat isang kasama sa discipleship training. Ako, si Dan at Ate Mherl ay magkakasama sa Sunday group ng alas tres na pangungunahan ni Pastor Jo. I'm looking forward sa mangyayari sa gawain ito, may naiisip na kung mga ididisciple, balak ko sana target-in ang mga kabataan sa Guyabano Ext o di kaya sa Mangga St. Sana maging maganda ang resulta ng gawaing ito. Nawa'y tulungan ako ni God at patuloy na gamitin sa kanyang gawain.
Matapos ang pag-uusap patungkol sa dicsipleship training, hindi pa ako umalis kaagad dahil may meeting pa ang lahat ng officers ng church, Nauna na rin sina Dan and Ate Mherl, hindi na nila ako hinintay dahil baka matagalan pa ang meeting namen. Marami rin kaming napag-usapan sa meeting na iyon. Inisa-isang kinamusta ni Pastor ang bawat department. This is my chance to present the YOUNG PRO's plan for this year. I'm looking forward sa mga gawain ng YOUNG PRO especially yung retreat namen this April. Nakakatuwa dahil pinayagan kami ni Pastor na ituloy ang retreat kahit na may nasagasaan kaming activity ng church. Buti nandyan si Teacher Norma para samahan kaming mga YOUNG PRO sa retreat namen. Matapos magmeeting, dun na rin kami kumain ng dinner. Ang sarap ng ulam, pininyahang manok at samahan pa ng masarap na kwentuhan. Namiss ko talaga ang mga taga- Taytay, napasarap tuloy ang kain ko. Matapos ang dinner ay nagsi-uwian na rin kami.
Next destination? Jesica's house, sabay -sabay kami nila Ate Mherl, Ron and Dan na pumunta kina Jeck.Halos tropa na lang ni Jessie boy ang naabutan namen. Nandun na rin sina Mitch at Mores. Well, halos kakilala lang din naman namin sila. Pagkakita kay Jeck agad ko syang binati ng Happy Birthday. Kahit hindi kami madalas magkita o magsama ng friend kong ito. I always treasure our frienship. Anyway, dahil sa busog pa, kumain lang ako ng cake. Matagal din kaming nag-stay sa house nila Jeck,nakipag videoke-han at nakipag-asaran sa mga nandun.
Birthday girl with her boyfriend |
Medyo gabi na pero nagkayayaan pa rin kame pumunta kina Annie. This time, Hindi na namin kasama si Ronnie, nagpaalam kasi sya na saglit lang na pupunta kung nasan sila Jonnel. Well, for him "saglit means matagal.
Hindi na namen nadatnan gising si Annie, anung oras na rin kasi kame pumunta . Si Jenny (adopted sister ni Annie) at Mother ni Annie ang nagbukas ng pinto sa amin at sinabing natutulog na nga si Annie, Pero may balita ang mother ni Annie na ikinatuwa namen. Mag-isstay na daw si Annie dun at kahit anung araw at anung oras ay pwede na daw namen syang madalaw. Yehey! That's absolutely a good news! Bago pa kami umuwi sa aming mga sari sariling bahay, hinatid pa muna namen si Mitch sa kanila. Ayaw ko pa talagang umuwi, at gusto ko pang maglakad lakad. Dala na rin siguro ng maghapong pag-stay ko sa bahay kahapon, wala akong ginawa kundi manood lang ng movies. Talagang naboring ako at ngayon sinusulit ko lang ang pagkakataon na pwede pa akong gumala. LOL :) Pagkahatid kay Mitch ay umuwi na rin kami kaaagad. Masasabi kong hindi naman naging boring ang buong maghapon ko. I HAD FUN!
No comments:
Post a Comment