Pages

Thursday, March 24, 2011

Young Pro Outdoor Fellowship @ Starbucks Eastwood

Ngayon ang Outdoor Fellowship ng mga Young Pro, supposed to be naka-schedule ito nung  nakaraang linggo pero dahil sa request ng isang young pro ay inurong ito. Nag-agree naman ang ibang young pro kaya wala namang naging problema. 

Excited ako sa gawaing ito, halos ito ang unang pagkakataon na mag outdoor fellowship ang mga young pro. Actually, ilang araw ko din itong iniisip:  Kung saan lugar ba kami mag-iistarbucks, Panu ba kami magpapareserve para may maupuan, Anung gagawin namin programa, Sasama ba lahat ng Young Pro? (**SIGH**) Sana maging maayos ang lahat!


Bago pa man dumating ang araw na ito, nakapag decide na ko kung saan kami mag-outdoor fellowship. Naisip kong "baket hindi sa Eastwood?" tutal konti lang ang tao doon kapag hapon, siguradong may mapupwestuhan kami.

Alas tres ang usapan naming magkikita at bago pa man mag-alas tres ay nasa church na ang ibang mga young pro. May ibang wala dahil may mga lakad sila, nakakalungkot lang dahil hindi namin sila ngayon nakasama. Expected ko pa naman na marami kami ngayon. Well, mahirap talagang mag-expect. 

May mga ibang mga Young Pro na rin akong pinauna para maghanap ng mapwepwestuhan sa Eastwood. Mahirap na rin kasing walang mauupuan sa Starbucks. 

Nagcommute lang kami papuntang Eastwood, gusto sana ni Pastor na gumamit ng sasakyan pero napag-usapan na naming mga Young Pro na magcommute na lang dahil mas matipid. Kami pa kasi magpapa-gas kapag gumamit pa ng sasakyan.


Madali lang namin nahanap ang place na pupuntahan namin pero pagdating namin sa lugar ay hindi pa pala nakaayos ang aming mauupuan. Waaaah!! Pasaway! Although nakahanap nga sila ng mauupuan na sakto sa aming lahat ay hiwa-hiwalay naman ito. (SIGH) In the end, naayos din naman.


Nakaramdam talaga ako ng konting pagka-dissapoint pero nagpapasalamat na rin dahil naging successful ang gawain ito. Nagkaroon kami ng Bible Drill at Games and the very best part of our program is the message given by Pastor Jo. I'm so blessed sa message at sana ganun din ang ibang Young Pro.

Matapos ang fellowship, hindi pa muna kami umuwi nila Jeck, Paul and Ronnie dahil balak pa naming gumala habang ang ibang Young pro ay kasama ni Pastor na nagtaxi dahil meron pa silang discipleship, may ilan din naman nagcommute na lang.

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil natapos ang araw na ito. Now, I'm looking forward sa Young Pro Retreat in Baguio this coming April. Mukhang mahirap planuhin ang Retreat, pero alam ko naman sa sarili ko na kaya ko ito, may ibang young pro din naman akong katulong at alam ko na tutulungan ako ni God.


Ngayon na lang uli namin nakasama si Jesica sa galaan. Nakakatuwa dahil natalaga namang nakaka miss. Kwentuhan, picture dito, picture dyan. At nang magutom na ay nagkayayaang kumain sa MCDo at doon na rin itinuloy ang aming kwentuahn. Grabe! dami rin naming napag-usapan. I really enjoy their company. After namin kumain ay umuwi na rin kami. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Talagang enjoy naman!

No comments:

Post a Comment