Pages

Wednesday, March 16, 2011

Lets Get physical

Nakagawian na ng ibang kabataan ng JBC at ng mga Pastor. (Pastor Benjie at Pastor Michael) ang mag-jogging tuwing Sabado ng umaga. Ito ang unang beses kong sasama sa kanila kaya kailangan gumising din ng maaga. Maliban sa pag-jojogging, naglalaro rin sila ng basketball. 

Naglakad lang kami papunta sa Ever Gotesco. Mas matipid dahil hindi na kami namasahe, nakapag exercise pa kami.  Dun sila laging nag-jojogging at dahil may basketball court din sa gilid ng Mall ay dun na rin sila naglalaro. This time hindi man lang nila na-enjoy ang paglalaro ng basketball dahil may mga grupo ng matatanda ang sumingit. Kami naman ang nauna sa place pero hayaan mo na nga, pagbigyan na lang ang matatanda..Haha..Maghihintay pa sana kaming matapos ang laro pero mukhang malabo na makapaglaro dahil may grupo naman ng kabataan ang paparating. 
Sa halip na maghintay pa, naglaro na lang kami ng patintero. Mas Ok ito kasi kasali mga girls, kapag basketball lang kasi, taganood lang kami.

Anyway, ang saya ng laro namin. Ngayon na lang uli ako nakapaglaro ng patintero, namiss ko ito, parang ang sayang bumalik sa pagkabata. Haha! 

Dahil sa may pasok pa si Junnard, natapos ang laro ng hindi man lang kami nakahabol ang grupo namin sa score pero ayos lang ang mahalaga ay masaya kaming nakapaglaro. Waaah! ang sakit ng buong katawan ko. Nabigla ata! Ngayon na lang uli ako nakapaglaro at tumakbo ng ganun. Ito ang napapala ng hindi pag-stretching. Haha :)  


Lakad mode uli pauwi pero bago yun stop over muna sa mini-stop. Ice cream Time! yummy! Dahil sa hindi masyadong nakapaglaro ang mga kabataan at sina Pastor, sinubukan namin pumunta sa basketball court sa Lifehomes. Actually, Christian ang may-ari ng basketball court doon. At sa loob nun ay may church. 

Hindi na bago sa akin ang church na iyon dahil isa ang church na iyon sa bumubuo sa PYMA Area 5. Minsan na rin nakasama sa mga gawain ng PYMA ( Area 5) at kapag may mga meetings at events ang PYMA, ang church nila ang nasa top list ng venue.

Naging Officer (secretary) ako ng PYMA, kaya kapag may mga meeting kailangan present ako. At sa mga meeting na iyon, dun ko nakikilala ang ibang mga kabataan sa iba't ibang church.  Yun nga lang wala akong nakilala na mga kabataan sa church na ito. Wala rin kasing umaatend sa kanila kapag may meeting ang PYMA Area 5. H

Hindi na rin ako active sa PYMA kaya hindi ko na rin alam ang mga event ngayon. 


Nakapaglaro ng basketball sina pastor at ang mga young people. Siguro naman hindi na sila mabibitin pa. Haha! Naka-usap din ni Pastor Benjie ang Pastor dun. Kakilala din halos ng Senior PAstor namin ang Pastor na ito dahil magkakakilala lang din ang mga Pastor sa Area 5. 

Sa pag-uusap nila, na-open ni Pastor ang kagustuhan nyang magkaroon ng sport center sa kanila. 

I'm looking forward sa gawain ito. Nakakatuwang isipin na may makakasama kaming ibang church sa ganitong mga gawain.Layunin din nito na manghikayat ng mga kabataang hindi pa nakakakila sa Panginoon. Sana maging successful ang planong ito. Well, hindi naman malabong mangyari yun dahil halos ng mga kabataan ay mahilig sa SPORTS.

Nagpaalam na rin kami na uuwi, 


Nang gabi, magkakasama kami ng koolits at nagkayayaan kaming kumain. At first hindi namin alam kung san kami pupunta hanggang dinala kami ng aming mga paa sa "Eastwood". Haha. Ibang klase rin trip namin diba? Actually, nakapam-bahay lang yung iba sa amin. Haha. Sa Mcdo kami kumain and we ordered chicken fillet and we also tried MC Coffee's cakes...Hmmmm..Yummy!


Actually pumunta lang kaming Eastwood para kumain kaya matapos kumain ay umalis na rin kami kaagad. Wala na talaga kami balak mamasyal pa dahil naka pambahay lang talaga kami. NAkakahiya! Haha! Grabe! Pagod na pagod na ko! Gusto ko ng matulog! Namimigat na mga mata ko..

No comments:

Post a Comment