Pages

Sunday, February 27, 2011

Just another Sunday!

Mag-iisang buwan na rin buhat ng bumili ako ng netbook using my HSBC credit card. Malapit na ang due date kaya kailangan ng magbayad para sa unang buwan. One options para makapagbayad ay thru BDO bank at dahil may ganung bank naman sa Sta. Lucia Mall dun na lang ako dadaretso pagkauwi ko galing church. Nang makauwi na sa bahay, inayos ko muna sa bag ang mga dadalhin ko pero gusto ko sana bago umalis ay kumain muna ng lunch kaso hindi pa ready ang sinaing. Gutom na talaga ako kaya wala akong nagawa kundi maghintay na maluto ang lunch namen. Saka na lang ako aalis kapag nakakain na, baka sa daan pa ako magutom at wala akong budget para bumili ng food. Balak ko lang talaga magbayad sa bank, and after nun ay uwi na.


Matapos maglunch, tinamad na akong umalis mag-isa kaya nagyayaya ako ng makakasama. Kasama ko sina Dan, ron, ate mherl and jonnel na pumunta sa Sta Lucia. Niyaya ko rin sina Topher and Cesar pero hindi sila sumama. Pagdating sa Mall, agad nameng hinanap ang BDO bank, nagtanung kame sa guard at agad naman kaming ituro kung nasaan ang banko. Hay!! sa wakas nakapagbayad na rin, next destination?? Globe store. Balak kasi ni Ate Mherl ipabukas ang GPRS ng iphone ng mother nya. Nagtanung uli kame sa guard, we asked if may Globe store ba sa Mall and he said na wala. Sinubukan naman namen magtanung sa isa sa mga cellphone store dun at sabi ng napagtanungan namen na hindi daw nabubuksan ang GPRS kapag china phone. Naglalakad- lakad uli kame, sunod na pupuntahan namen ay CD-R King, naghahanap kasi si Sardanni ng earphone para sa cellphone nya at bibili na rin ako ng keyboard/screen protector para sa laptop ko. Pagkatapos bumili , nagkayayaan kaming kumain at sa Maxx restaurant kami dinala ng aming mga paa. Well hati naman kame ni Ronnie sa gastusin kaya ayos lang din. This is my second time na gagamitin ang credit card. Gastos ko muna, saka na lang ako bayaran ni Ron kapag nagkapera na. Sarap ng kwentuhan habang kumakain samahan pa ng masarap na chicken ng Maxx at special na halo-halo.Yummy! Hindi na kami nagtagal pa sa Mall pagkatapos kumain, umuwi na rin kami agad. 























Pagkagaling sa mall, nagkayayaan pa kaming manood ng movie sa bahay. Dvd sana namen ang gagamitin kaso hindi gumagana ang video and audio kaya sa netbook ko na lang kame nanood, Apat na lang kami, may lakad kasi si jonnel kaya hindi na namen nakasama. Nag stream ako ng movie at "Here Comes the Bride" ang napili kong ipapanood sa kanila. Napanood ko na ang movie na ito pero gusto ko pa syang ulitin. Maganda ang movie na ito, talagang nakakatawa, pagsama-samahin ba naman ang mga magagaling ng komedyante ng Pilipinas eh. Hanga talaga ako sa husay ng bawat isa pero lubos akong humanga sa husay ni Angelica Panganiban. Para sa akin, sya ang higit na nangibabaw. Talagang nabigyan nya ng magandang pagganap ang kanyang karakter. Kung ako sa inyo try nyo na lang panoorin ang movie,hindi kayo magsisisi. 





Anyway, Nagustuhan naman ng mga kaibigan ko ang movie maliban kay Ronnie na tinulugan lang kame. Hay!! yaan mo na nga, pagod daw eh. Matapos ang movie, nag-stay pa muna ang tropa sa bahay bago na rin sabay sabay na umuwi. I really enjoy my Sunday, with God, with my Family and with my friends. Thank you po LORD! :)



No comments:

Post a Comment