Pages

Saturday, January 29, 2011

Saturday Fun!

Last Christmas, nagbigay ako ng vouchers as a gift sa parents ko at sa grupong koolitz. Nabili ko ang vouchers sa Ensogo, only P99 for choice of Nuat Thai Foot Massage or Thai Body Massage for 1 hour at Nuat Thai Libis (valued up to P250). Ensogo Philippines is one of the group buying sites which offers the best deals in town from 50% - 90% OFF. Gusto ko pa sana bumili para sa ibang kaibigan kaso limited lang to 6 vouchers per person.

Anyway, according to my parents, maganda naman daw ang place and also the service. Nauna na silang magpamassage, sabay sabay sana kame kaso dahil nagkaroon ng conflict sa schedule, nauna na sila. samantalang kame ay ngayong araw pa lang balak magpamassage. Nakapagpareserve na kame thru phone. Alas tres at alas kwatro ng hapon ang schedule namen. Excited na talaga ako, this is actually my first time na ma-experience ang magpamasahe. Tamang tama para makapag unwind naman galing sa nakakapagod na mga araw ng pagtatrabaho. Nakakatuwa din kasi malapit lang sya sa lugar namen. Isang sakay lang ng jeep galing sa lifehomes. At first, hindi ko alam san banda ang Nuat Thai pero nung minsan madaanan ang jeep na sinasakyan namen papuntang Cubao, dun ko lang nalaman na malapit lang talaga sya. Mabilis lang ang naging byahe namen at nakarating kame agad sa place. Sina Dan and Ronnie ang naunang magpamassage. Gusto ko sana sabay sabay kame magpamassage, kaso may iba ng naunang nakapag pa schedule,pero ayos na rin willing naman kame ni Mitch maghintay. Isang oras pa hihintayin namen kaya habang naghihintay nagkwentuhan muna kami at nagbasa basa ng magazines. Mabilis lang din natapos ang isang oras at halos hindi na namen namalayan na kami na pala ang susunod. Isang oras at ilang minuto din ang tinagal ng masahe. Grabe ang sarap magpamasahe! Natanggal talaga ang sakit ng katawan ko. So far, naging maganda naman ang feedback ng barkada, mukhang may balak p akaming ulitin ito. 






After magpamassage, dumaretso kame sa SM Megamall, I need to canvass kasi ng laptop na bibilhin ko pero kumain muna kame bago pumunta cyberzone. Gabi na rin kasi nun and hindi pa kame nagdidinner. Sa Maxx namen napiling kumain at tulad ng dati hati-hati kame sa gastos.  







Matapos kumain, dumaretso na kame agad sa Cyberzone para magcanvass. Maraming magagandang laptop pero I need to consider my budget and ofcourse dapat "pink". haha:) Actually, nagdadalawang isip pa ako kung anung mas magandang bilhin, laptop ba o netbook? In the end, napagdesisyunan kong mag-netbook na lang. May napili na ako, it's a pink samsung netbook. 


Samsung N150 10.1-Inch Flamingo Pink Netbook


For more information about this product, visit samsung.com


Gusto ko na sana syang bilhin agad kaso hindi ko dala ang credit card ko and I need to activate my card first before makapag-avail. Siguro bukas na lang ako bibili, sabi naman ni Mitch madali lang naman ang magpa activate kaya 100% sure na bukas na bukas din ay magkakaroon na ako ng netbook. Yay! :)


Halos magsasara na rin ang mall ng umalis kami pero hindi pa kami umuwi agad. Gusto talaga ng naming sulitin ang gabing iyon. Naglakad kame papuntang Metro Walk Ortigas at dun nag-starbucks. Matagal din kameng nag-stay sa starubucks. Kwentuhan lang at ofcourse hindi mawawala ang picture-picturan. :) Hindi kame papayag na hindi macapture ang moment na ito.







Pasadong alas onse na ng umuwi kame. Linggo kinabukasan, at kailangan namen ihanda ang aming mga sarili sa pananambahan. First service kame ni Mitch kaya kailangan magising ng maaga. Masasabi kong naging masaya ang buong araw ko kasama ang koolits at talagang nasulit ko ang Saturday na ito. Sana maulit uli ito! :) Thanks Mitch, Dan and Ron for being part of my whole day. I love you guys! :)





No comments:

Post a Comment