Pages

Saturday, January 15, 2011

Two Special Event that made my day

Ngayon ang importanteng araw para sa ka-ooficemate nameng si Manuel. Ngayon ang kanilang Wedding day ni Jhen. Isa ang Islandlogic (Marketinng Family) sa mga inimbitahan para masaksihan ang kanilang pag iisang dibdib.

Gagaganapin ang kanilang kasal sa Bulacan at alas onse ito magsisimula, kaya maaga palang ay nagkita-kita na kame ng mga ka officemate ko sa napag usapan namen meeting place, sa Victory Liner terminal sa Monumento. Pero bago muna yun ay nagkita-kita muna kame ni Jan at Charyl sa LRT Santolan Station bago tuluyang dumaretso sa meeting place.


Naging Madali naman ang byahe, sakto ang dating namen tatlo at hindi kame na-late sa oras na napag usapan. Hindi pa lahat nandun ng dumating kame, may tatlo pa kameng ka-officemate na hihintayin. Ilang minuto lang kame naghinaty at pag dating nila ay daretso na kame agad sumakay sa bus papuntang Bulacan.


Naging mahaba ang byahe namen, sa totoo lang nalilito ako sa map na ibinigay ni Manuel, iniisip ko kung ako lang kaya mag-isa kanina pa siguro ako bumaba. Halos ang dami ko ng  nakitang mga gas station at Mercury na nakalagay sa map. Buti na lang may mga kasama ako.

Sa wakas nasa place na kame, pagkababa namen nagtanung agad kami kung saan ang simbahan ng "John The Baptist Church" ng malaman na namen kung saan kame dadaretso ay saglit muna kameng nag stay sa pinagtanungan namen. nagtitinda kasi sya ng mga fishball at kikiam. Ang iba ay sa amin ay bumili muna para malagayan ng konting pagkain ang kanilang mga sikmura. hindi pa kasi nag-aalmusal ang iba. Nang matapos sa pagkain, agad na kameng naglakad papuntang simbahan. Madali naman namen natagpuan ang simbahan, halos hindi naman kame naglakad ng malayo dahil walking distance lang sya. Pagdating namen sa simbahan, hinanap namen agad ang groom. Wow! Ang Gwapo, LOL :) Dapat lang! Syempre this is their special day kaya dapat maganda at gwapo silang  dalawa.





Natapos ang kasal nila Manuel at Jhen ng maayos at masaya. Syempre pagkatapos ng kasal, hindi mawawala ang kainan. daretso agad kame sa reception sakay ng tricycle. Hindi na namen tinapos ang program sa reception dahil may lakad pa kame, nag plan din kasi kame na maglalaro ng Wii sa apartment nila Eds. Advance Birtday Celebration na rin iyon para kay Rakee. 




Nag-prepare si Rakee ng cheese stick na kakainin namen habang naglalaro ng Band Hero. Ang saya talaga ng larong ito. Para ka talagang nasa isang band. Gabi na rin ng kame'y makauwi ni Charyl. Para sa akin naging masaya ang naging buong araw ko. Kakapagod pero sulit naman dahil naging masaya ako at naging bahagi ako ng dalawang special na pagdiriwang sa dalawang taong naging parte na ng buhay ko.

CONGRATULATIONS MANUEL & JHEN!! and HAPPY BIRTHDAY RAKEE!! :)


No comments:

Post a Comment