Ang dami kong lakad ngayong araw na ito. Need magbayad para sa mga suppliers kaya kailangang pumuntang BDO bank and Globe store.Ngayong araw din ang wedding ng friend kong si Angelica at debut naman ni Den2x, kapatid ng college friend kong si nissan. Feeling ko buong araw akong mawawala sa bahay at mukhang ganun na nga ang mangyayari.
Pumunta akong BDO Bank sa SM Megamall para dun magbayad ng payment sa isang supplier after nun daretso ako sa podium para naman sa payment sa isa pang supplier. Sa SM Megamall ko rin sana balak magbayad ng GCash kaso masyadong mahaba ang pila sa store kaya dumaretso na lang akong podium tutal may globe store naman dun. Nang matapos magbayad dumaretso ako Robinsons Galleria para bumili ng birthday gift para kay Den at isang set ng body care ang binili ko for her, pagkatapos ay umuwi na rin agad.
Nang makauwi ako, Naabutan kong naghahanda pa lang sina mama papuntang simbahan, inaayusan na rin ni Ate mherl ang pamangkin kong si Cyiana. Ang ganda talaga ng pamangkin ko, mana talaga sa tita. Ehem :P Anyway, ninong si tatay sa kasal ni Angelica samantalang flower girl namang ang pamangkin kong si Cyiana. Balak ko sanang hindi pumunta kasi hindi naman ako inimbitahan ni ging, pero dahil ito ang pinakaimportanteng araw sa buhay nya, gusto kong nandoon ako, gusto kong maging bahagi ng espesyal na araw na iyon, gusto kong malaman nya na isang ako sa mga kaibigan nya na handang sumoporta sa kanya anumang mga problema ang dumating. Nakakalungkot dahil hindi man lang nakasama ni Angelica ang papa nya sa paghatid sa kanya sa altar, namatay ito bago pa man magpasko, sana nasaksikan man lang muna nya ang kasal ng anak, pero ganun talaga ang buhay. Hindi mo alam kong kailan ka kukunin ang Panginoon. Kung nasan man si tito andy ngayon, nawa'y masaya sya sa kinaroroonan nya ngayon.
Natutuwa naman akong masaksihan ang kasal ng isang kaibigan. Kaabang-abang ang paglakad nya sa aile, pero ang mas pinaka-aabangan ko ay ang paglakad ng pamangkin ko. Haha! Nakakatuwang pagmasdan ni Cyiana habang naglalakad. Super cute and super kulit, halos iwanan nya na ang partner nya. Kala mo kung sinong siga sa daan! Haha!
Anyway,alam kong masaya ngayon si Angelica at hangad ko ang kanyang kaligayahan. Matapos ang kasal daretso lahat ng bisita sa reception area, ginanap ito sa Bahay Kubo, Rosario. Dahil may pupuntahan pa kong debut hindi na ako nagtagal sa place, pag kakain ay nag-stay lang ako ng ilang minuto saka umuwi ng bahay kasama sina ate may, ate mherl and grace. Kailangan ko pang umuwi dahil nasa bahay ang gift para kay den at usapan namen ni charyl na susunduin nya ako sa house pero dahil sa kailangan pang sunduin si Maricel, I texted her na mauna na lang sa house nila maze at dun na lang kame magkita.
Sabay-sabay kameng tatlo pupunta sa debut ni Den. Actually hindi sa mismong house nila Den ginanap ang event. Pumunta pa kaming Antipolo dahil dun mismo icecelebrate ang kanyang debut. We don't know the exact place. Tinext lang sa amin kung anong address at kung anung sasakyan. Sana lang hindi kami maligaw.:) Ligtas naman kameng nakarating sa venue kahit na medyo mali ang binigay sa aming instructions, buti na lang may isang lalaking nagmagandang loob na ituro sa amin kung saan mismo ang bababaan namen. Medyo mahirap din sumakay. Late na nga kami nakarating sa place. buti na lang hindi pa mismo nagsisimula ang program dahil hinihintay pa mismo si Den at ang ibang mga guest. Muli uli kameng nagkita kita nila Nissan, Joan at Kuya Dennis(Joan's bf). Siguro, talagang kapag may special event na lang kami pwedeng magkita-kita. Sana muling makompleto ang Lorcans o di kaya ang buong BSIT-A. Hmmmm..kailangan kaya yun? Busy na rin kasi ang bawat isa at may kanya kanya na ring pinag kakaabalahan.
Habang naghihintay kay Den at sa ibang guest, sinabihan kami na kumain na muna at dahil sa gutom na rin kame ay nagpaunlak na rin kami sa imbitasyon. Late ng nag-satrt ang program, naintindihan naman namin kung baket, malayo kasi ang place at pili lang din ang mga taong inimbitahan. Naging maayos at masaya naman ang birthday celebration ni Den. Anyway, isa ako sa mga 18 candles ni Den at nagbigay ako ng mensahe para sa kanya, halos kapatid na rin ang turing ko kay Den. Nakakatuwa na isang taon na naman ang binigay ng Diyos sa buhay ng batang ito, hindi na pala sya bata dahil dalaga na sya. LOL :) HAPPY BIRTHDAY DEN!
Birthday girl, "Den" |
Giving "Den" a birthday wish |
Late night na rin ng magkayayaan kaming umuwi, sumabay na rin sa amin sina Joan. Nakakapagod ang buong araw na ito pero ayos lang sa akin, mas gustong kong madaming ginagawa kaysa nasa bahay lang ako at nakatunganga. Haha :) Thank you LORD sa buong maghapong pag-iingat sa akin.
No comments:
Post a Comment