Pages

Sunday, January 2, 2011

Koolitz finally reunited

We do really miss Annnie's company, simula ng nag-asawa sya at tumira sa asawa nya hindi na uli kame nagkita at nakompleto. She's now pregnant at manganganak na ngayon buwan ng Pebrero. Now, we have a chance to meet her. Nasa bahay kasi sya ng parents nya dito sa Pasig. After mag lunch nagkita kta kame nila Mitch, Mores, Ron, Dan and Ate Mherl sa house at sabay sabay na pumunta kina Annie. Ang sayang isipin na makompleto ulit ang barkada.





Hindi pa rin nagbabago ang kaibigan nameng si Annie ganun pa rin ang mga banat nya. Anyway, nawa'y maging masaya sya sa buhay nya kasama ang kanyang asawa. Ngayong mag kakaroon na sya ng anak masasabing ganap na silang matatawag na pamilya. Hangad namen ang kanyang kaligayahan.. May ganun? LOL :) Kung 0san sya magiging masaya, magiging masaya na rin kame. Ganyan naman talaga ang tunay na magkakaibigan di ba? Nawa'y wag nyang  makalimutan na may mga kaibigan syang handang tumulong kapag may problema sya.


Hindi rin kami nagtagal kina Annie dahil may praktis pa ang choir ng 4:30pm. Mamayang 7:30pm ang last performance ng aming Christmas Cantata, this is the third time na magpeperform kami. Hindi kasi nakanood ang ibang members ng church kaya nagrequest ang ilan na ulitin ito. At sa pangatlong pagkakataon ay masasabi kong naging successful ang aming Christmas Cantata. Maraming salamat sa mga taong naging bahagi upang mangyari ito. Salamat sa mga bumili ng ticket at sa mga nanood. Nawa'y sa aming mga awitin ay naihayag namin ang tunay na kahulugan ng kapaskuhan. "HAPPY BIRTHDAY JESUS". I love you! :)

Guest Speaker (Pastor Toti) , Pastor Jo and Teacher Norma


THE CHOIR







 

No comments:

Post a Comment