Today is the 2nd Annual Philippine Polymer Clay Festival, which will be held in Cubao Expo. Actually 2 days sya mangyayari. Feb 24 & 25, and today will be the last day. Simula ng magstart kame ni charyl mag resell ng cute accessories made up of polymer clay, naging interesado na kame kung paano ito gawin. Kaya ng malaman namen na may Clay Festival na mangyayari we decided na pumunta tutal isang sakay lang naman ang mangyayari kung manggagaling sa lugar namen. I also invited my sister chaneth to come with us. We can use her talent if ever matuloy ang plano namen ni charyl sa business namen.
Alas tres pa lang ng hapon ay umalis na kame dahil alas kwatro ang start ng program. 5 minutes before four ay nakarating na kame sa venue. It's obvious na wala pa ang ibang exibitors dahil empty pa ang ibang table kung saan nila ilalagay ang kanilang mga clay creations. Iilan pa lang ang nakapag ready. Well, hindi na ko magtataka kung baket ganun, they are all filipinos, sa madaling salita "LATE SILA" LOL :)
THE BEAD LADY STORE |
While waiting, tumingin tingin muna kame ng mga clay creations na naka display na. Wow! ang cucute nila, lalo tuloy kameng na-motivate na ipagpatuloy ang plano magbusiness. All we need to have is a proper training. Well, kaya rin namen gumawa ng tulad ng mga yun, mas cute pa dun. may "Chaneth" ata kame. LOL :)
Ilang minuto din kameng naghintay bago mag start ang program. Nagsimula sya sa pamamagitan ng isang demo. Narinig namen na need pang mag-register sa mismong shop ng Beadlady store, malapit lang din sa lugar na iyon, para makasali sa kanilang raffle. pinatapos muna namen and second demo bago pumunta sa store, after magregister, binigyan kame ng papel. Nakalagay dun ang mga names ng exibitors. Actually it looks like a bingo card, nasa papel nga lang. All we need to do is to complete the signatures of all exibitors. papapirmahan lang namen sa kanila ang papel na yun, no purchase required. After matapos papirmahan lahat ay pinasa na namen ito agad, yun bali ang magiging entry namen para makasali sa gagawing raffle. Actually hindi talaga ako maswerte sa mga raffle raffle (asa pa ako!), maliban na lang kung lahat ay makakatanggap. Makakakuha talga ako. Hindi tulad ni chaneth na masasabi kong may kasamang swerte, baka mabunot pa nga sya eh. Pero subukan pa rin naten, wag mawalan ng pag-asa, malay nyo mabunot ako:)
Actually ang habol lang talaga namen dito ay workshop and unfortunately walang ganung nangayari, Free demos lang. Pero ayos lang, naging masaya naman ang aming pagbisita sa clay festival na iyon. Maliban sa free demo and shopping ay sinimulan na rin ang pa-raffle. Nakakatuwa kasi nabunot ang pangalan ni Chaneth, nakatanggap sya ng clay necklace. Well, hindi nga ako nagkamali sa sinabi ko, swerte talaga sya. Pwede ring nagkataon lang. LOL :) Anyway, samantalang si charyl naman ay nanalo ng Craft Time Magazine sa larong "Bring Me" ng ipadala sa kanya ang old twenty peso bill. Wala man akong naiuwi ay ayos lang sa akin. Sapat ng maranasan ko ang ganitong mga event. Hindi na namen tinapos ang program, mga 12 midnight pa kasi ito matatapos. Tsaka nakakaramdam na rin kame ng gutom ng mga oras na iyon, we need to have dinner na pero bago kame kumain ay nag withdraw muna ako. Sa Mcdo kame kumain, all time favorite fast food. LOL:) at Umuwi na rin kame matapos kumain. Hayzt, nakakapagod pero sulit naman.
Regarding pala sa plano nameng business, ipagpapatuloy pa rin naman namen iyon pero kailangan muna namen ng capital, medyo may kamahalan ang mga kakailanganing mga materials sa paggawa ng clay and also kailangan din namen ng workshop. Hindi pwedeng sasabak na lang kame agad. May panahon din para sa planong ito. We really need to work with this. Pinapaubaya ko na kay God ang planong ito. Nawa'y magiging successful kame sa business na papasukin namen."TO GOD BE THE GLORY"
No comments:
Post a Comment