Pages

Sunday, February 13, 2011

THE KICK OFF



Ngayon ang unang Linggo na muling mabubuo ang Young Pro, tinawag namen ang fellowship na ito na "THE KICK OFF". Nung dati kasi wala talagang fellowship ang Young Pro, once a year lang kasi kame nagkakasama-sama, yan ay kapag may Retreat lang. Ngayon, napagkasunduan namen na magkaroon ng fellowship, every second Sunday of the month. Nakakatuwang isipin na may  programa na para sa Young pro, pero para sa akin ang mas nakakatuwa ay ang muli itong mabubuo.


Si Ate Tin, ang dating namumuno sa Young Professionals, ngunit kabilang na sya sa ladies ngayon kaya muling nag-elect ang mga Young Pro. Bago pa lang ang araw ng election, marami ng kumukulit sa akin  na maging President pero hindi ko tinatanggap. Actually alam kong kaya kong mamuno, pero hindi ganun kadali yun. Siguro dahil na rin sa naranasan ko nang mga taon na ako ang president ng Young People. Kaya hindi ko muna tinanggap. Sa bandang huli, narealize ko na tutulungan naman ako ng mga kapwa ko officers ( Ate Anne, Sardanni at Ronnie) at higit sa lahat ni "GOD". Nakakatuwa lang isipin na may mga taong nagtitiwala sa iyo. Alam kong kaya kong maging mahusay na leader, yan ay sa tulong ng Panginoon. Hindi ko sasayangin ang tiwala na ibinigay ng mga kapwa ko Young Pro. Makakaasa silang gagawin ko ang aking responsibilidad.

Anyway,ang Young Pro officers ang naghanda ng program, games at bible drill. Si Teacher Norma naman ang nagbigay  ng mensahe. Samantalang sina Jeck at Paul ang sumagot ng aming kakainin. Blow out na rin ni Paul dahil nalalapit na rin ang kanyang kaarawan.isang bilaong pansit ang inihanda nila para sa lahat. 


Ang saya ng Fellowship namen, sana mas maging masaya pa sa mga darating pang mga buwan. Nakakatuwa na umabot kame ng higit sa sampu. Sana hindi kame makontento sa ganitong bilang, nawa'y naisin ng bawat isa sa amin na mas dumami pa ang makakilala sa Panginoon. 


Ang Panginoon nawa ang mag pala sa lahat ng aming gagawin sa taong ito at nawa'y hindi maalis sa isipan ng bawat na isa na kaya may mga gawain na ganito ay upang ang Diyos lang ang tanging  mapapurihan.




No comments:

Post a Comment