Pages

Saturday, January 29, 2011

Saturday Fun!

Last Christmas, nagbigay ako ng vouchers as a gift sa parents ko at sa grupong koolitz. Nabili ko ang vouchers sa Ensogo, only P99 for choice of Nuat Thai Foot Massage or Thai Body Massage for 1 hour at Nuat Thai Libis (valued up to P250). Ensogo Philippines is one of the group buying sites which offers the best deals in town from 50% - 90% OFF. Gusto ko pa sana bumili para sa ibang kaibigan kaso limited lang to 6 vouchers per person.

Anyway, according to my parents, maganda naman daw ang place and also the service. Nauna na silang magpamassage, sabay sabay sana kame kaso dahil nagkaroon ng conflict sa schedule, nauna na sila. samantalang kame ay ngayong araw pa lang balak magpamassage. Nakapagpareserve na kame thru phone. Alas tres at alas kwatro ng hapon ang schedule namen. Excited na talaga ako, this is actually my first time na ma-experience ang magpamasahe. Tamang tama para makapag unwind naman galing sa nakakapagod na mga araw ng pagtatrabaho. Nakakatuwa din kasi malapit lang sya sa lugar namen. Isang sakay lang ng jeep galing sa lifehomes. At first, hindi ko alam san banda ang Nuat Thai pero nung minsan madaanan ang jeep na sinasakyan namen papuntang Cubao, dun ko lang nalaman na malapit lang talaga sya. Mabilis lang ang naging byahe namen at nakarating kame agad sa place. Sina Dan and Ronnie ang naunang magpamassage. Gusto ko sana sabay sabay kame magpamassage, kaso may iba ng naunang nakapag pa schedule,pero ayos na rin willing naman kame ni Mitch maghintay. Isang oras pa hihintayin namen kaya habang naghihintay nagkwentuhan muna kami at nagbasa basa ng magazines. Mabilis lang din natapos ang isang oras at halos hindi na namen namalayan na kami na pala ang susunod. Isang oras at ilang minuto din ang tinagal ng masahe. Grabe ang sarap magpamasahe! Natanggal talaga ang sakit ng katawan ko. So far, naging maganda naman ang feedback ng barkada, mukhang may balak p akaming ulitin ito. 






After magpamassage, dumaretso kame sa SM Megamall, I need to canvass kasi ng laptop na bibilhin ko pero kumain muna kame bago pumunta cyberzone. Gabi na rin kasi nun and hindi pa kame nagdidinner. Sa Maxx namen napiling kumain at tulad ng dati hati-hati kame sa gastos.  







Matapos kumain, dumaretso na kame agad sa Cyberzone para magcanvass. Maraming magagandang laptop pero I need to consider my budget and ofcourse dapat "pink". haha:) Actually, nagdadalawang isip pa ako kung anung mas magandang bilhin, laptop ba o netbook? In the end, napagdesisyunan kong mag-netbook na lang. May napili na ako, it's a pink samsung netbook. 


Samsung N150 10.1-Inch Flamingo Pink Netbook


For more information about this product, visit samsung.com


Gusto ko na sana syang bilhin agad kaso hindi ko dala ang credit card ko and I need to activate my card first before makapag-avail. Siguro bukas na lang ako bibili, sabi naman ni Mitch madali lang naman ang magpa activate kaya 100% sure na bukas na bukas din ay magkakaroon na ako ng netbook. Yay! :)


Halos magsasara na rin ang mall ng umalis kami pero hindi pa kami umuwi agad. Gusto talaga ng naming sulitin ang gabing iyon. Naglakad kame papuntang Metro Walk Ortigas at dun nag-starbucks. Matagal din kameng nag-stay sa starubucks. Kwentuhan lang at ofcourse hindi mawawala ang picture-picturan. :) Hindi kame papayag na hindi macapture ang moment na ito.







Pasadong alas onse na ng umuwi kame. Linggo kinabukasan, at kailangan namen ihanda ang aming mga sarili sa pananambahan. First service kame ni Mitch kaya kailangan magising ng maaga. Masasabi kong naging masaya ang buong araw ko kasama ang koolits at talagang nasulit ko ang Saturday na ito. Sana maulit uli ito! :) Thanks Mitch, Dan and Ron for being part of my whole day. I love you guys! :)





Sunday, January 23, 2011

MOVIE WATCH: ORPHAN

Ngayon naka-schedule ang meeting ng Young Pro. Agenda? Election of officers and planning of activities for this year. As a president, ako ang nanguna sa pag-uusap na iyon. Naging maayos naman ang aming pag-uusap, natutuwa ako at nakikipag-cooperate naman ang lahat. "Thanks you po LORD at muling mabubuo ang grupong ito, kayo nawa ang manguna sa mga inihanda naming mga programa at nawa'y sa pamamagitan nito ay may mga taong makakakilala sa inyo. Amen" ;)

After lunch, Niyaya kami ni Ronnie na manood ng movie and he recommended "Orphan". Maganda daw yun! At first, hindi namin alam kung saang place kami manonood. Hindi naman pwede sa bahay dahil nandun si Tatay at nanonood din, kung kina Ronnie naman, nandun daw ang tatay nya at naglalasing, ayaw naman din ni Ate Merly at Sardanni sa house nila. In the end, sa bahay rin nila Ronnie kami bumagsak. LOL :) So we went to their house para manood.



Orphan is a 2009 American horror and thriller film directed by Jaume Collet-Serra, starring Vera Farmiga, Peter Sarsgaard, and Isabelle Fuhrman in the title role. The film centers on a couple who, after the death of their unborn child, adopt a mysterious 9-year old girl. Orphan was produced by Joel Silver and Susan Downey of Dark Castle Entertainment and Leonardo DiCaprio and Jennifer Davisson Killoran of Appian Way Productions. The film was released theatrically in the United States on July 24, 2009. The film received mixed critical reviews but Fuhrman's performance as Esther was acclaimed. [wikipedia]




For me, this movie is amazing. Pinahanga ako ng takbo ng istorya. Thumbs up for this movie! Hindi ako magdadalawang-isip na i-recommend din ito sa ibang tao. After ng movie marathon, pumunta pa kami kina Mitch. Reason? wala lang! Haha! Masama bang maghanap ng maiistorbo? ;)






Saturday, January 15, 2011

Two Special Event that made my day

Ngayon ang importanteng araw para sa ka-ooficemate nameng si Manuel. Ngayon ang kanilang Wedding day ni Jhen. Isa ang Islandlogic (Marketinng Family) sa mga inimbitahan para masaksihan ang kanilang pag iisang dibdib.

Gagaganapin ang kanilang kasal sa Bulacan at alas onse ito magsisimula, kaya maaga palang ay nagkita-kita na kame ng mga ka officemate ko sa napag usapan namen meeting place, sa Victory Liner terminal sa Monumento. Pero bago muna yun ay nagkita-kita muna kame ni Jan at Charyl sa LRT Santolan Station bago tuluyang dumaretso sa meeting place.


Naging Madali naman ang byahe, sakto ang dating namen tatlo at hindi kame na-late sa oras na napag usapan. Hindi pa lahat nandun ng dumating kame, may tatlo pa kameng ka-officemate na hihintayin. Ilang minuto lang kame naghinaty at pag dating nila ay daretso na kame agad sumakay sa bus papuntang Bulacan.


Naging mahaba ang byahe namen, sa totoo lang nalilito ako sa map na ibinigay ni Manuel, iniisip ko kung ako lang kaya mag-isa kanina pa siguro ako bumaba. Halos ang dami ko ng  nakitang mga gas station at Mercury na nakalagay sa map. Buti na lang may mga kasama ako.

Sa wakas nasa place na kame, pagkababa namen nagtanung agad kami kung saan ang simbahan ng "John The Baptist Church" ng malaman na namen kung saan kame dadaretso ay saglit muna kameng nag stay sa pinagtanungan namen. nagtitinda kasi sya ng mga fishball at kikiam. Ang iba ay sa amin ay bumili muna para malagayan ng konting pagkain ang kanilang mga sikmura. hindi pa kasi nag-aalmusal ang iba. Nang matapos sa pagkain, agad na kameng naglakad papuntang simbahan. Madali naman namen natagpuan ang simbahan, halos hindi naman kame naglakad ng malayo dahil walking distance lang sya. Pagdating namen sa simbahan, hinanap namen agad ang groom. Wow! Ang Gwapo, LOL :) Dapat lang! Syempre this is their special day kaya dapat maganda at gwapo silang  dalawa.





Natapos ang kasal nila Manuel at Jhen ng maayos at masaya. Syempre pagkatapos ng kasal, hindi mawawala ang kainan. daretso agad kame sa reception sakay ng tricycle. Hindi na namen tinapos ang program sa reception dahil may lakad pa kame, nag plan din kasi kame na maglalaro ng Wii sa apartment nila Eds. Advance Birtday Celebration na rin iyon para kay Rakee. 




Nag-prepare si Rakee ng cheese stick na kakainin namen habang naglalaro ng Band Hero. Ang saya talaga ng larong ito. Para ka talagang nasa isang band. Gabi na rin ng kame'y makauwi ni Charyl. Para sa akin naging masaya ang naging buong araw ko. Kakapagod pero sulit naman dahil naging masaya ako at naging bahagi ako ng dalawang special na pagdiriwang sa dalawang taong naging parte na ng buhay ko.

CONGRATULATIONS MANUEL & JHEN!! and HAPPY BIRTHDAY RAKEE!! :)


Saturday, January 8, 2011

Totally busy!

Ang dami kong lakad ngayong araw na ito. Need magbayad para sa mga suppliers kaya kailangang pumuntang BDO bank and Globe store.Ngayong araw din ang wedding ng friend kong si Angelica at debut naman ni Den2x, kapatid ng college friend kong si nissan. Feeling ko buong araw akong mawawala sa bahay at mukhang ganun na nga ang mangyayari.

Pumunta akong BDO Bank sa SM Megamall para dun magbayad ng payment sa isang supplier after nun daretso ako sa podium para naman sa payment sa isa pang supplier. Sa SM Megamall ko rin sana balak magbayad ng GCash kaso masyadong mahaba ang pila sa store kaya dumaretso na lang akong podium tutal may globe store naman dun. Nang matapos magbayad dumaretso ako Robinsons Galleria para bumili ng birthday gift para kay Den at isang set ng body care ang binili ko for her, pagkatapos ay umuwi na rin agad.


Nang makauwi ako, Naabutan kong naghahanda pa lang sina mama papuntang simbahan, inaayusan na rin ni Ate mherl ang pamangkin kong si Cyiana. Ang ganda talaga ng pamangkin ko, mana talaga sa tita. Ehem :P Anyway, ninong si tatay sa kasal ni Angelica samantalang flower girl namang ang pamangkin kong si Cyiana. Balak ko sanang hindi pumunta kasi hindi naman ako inimbitahan ni ging, pero dahil ito ang pinakaimportanteng araw sa buhay nya, gusto kong nandoon ako, gusto kong maging bahagi ng espesyal na araw na iyon, gusto kong malaman nya na isang ako sa mga kaibigan nya na handang sumoporta sa kanya anumang mga problema ang dumating. Nakakalungkot dahil hindi man lang nakasama ni Angelica ang papa nya sa paghatid sa kanya sa altar, namatay ito bago pa man magpasko, sana nasaksikan man lang muna nya ang kasal ng anak, pero ganun talaga ang buhay. Hindi mo alam kong kailan ka kukunin ang Panginoon. Kung nasan man si tito andy ngayon, nawa'y masaya sya sa kinaroroonan nya ngayon.

Natutuwa naman akong masaksihan ang kasal ng isang kaibigan. Kaabang-abang ang paglakad nya sa aile, pero ang mas pinaka-aabangan ko ay ang paglakad ng pamangkin ko. Haha! Nakakatuwang pagmasdan ni Cyiana habang naglalakad. Super cute and super kulit, halos iwanan nya na ang partner nya. Kala mo kung sinong siga sa daan! Haha!


Anyway,alam kong masaya ngayon si Angelica at hangad ko ang kanyang kaligayahan. Matapos ang kasal daretso lahat ng bisita sa reception area, ginanap ito sa Bahay Kubo, Rosario. Dahil may pupuntahan pa kong debut hindi na ako nagtagal sa place, pag kakain ay nag-stay lang ako ng ilang minuto saka umuwi ng bahay kasama sina ate may, ate mherl and grace. Kailangan ko pang umuwi dahil nasa bahay ang gift para kay den at usapan namen ni charyl na susunduin nya ako sa house pero dahil sa kailangan pang sunduin si Maricel, I texted her na mauna na lang sa house nila maze at dun na lang kame magkita.

Sabay-sabay kameng tatlo pupunta sa debut ni Den. Actually hindi sa mismong house nila Den ginanap ang event. Pumunta pa kaming Antipolo dahil dun mismo icecelebrate ang kanyang debut. We don't know the exact place. Tinext lang sa amin kung anong address at kung anung sasakyan. Sana lang hindi kami maligaw.:) Ligtas naman kameng nakarating sa venue kahit na medyo mali ang binigay sa aming instructions, buti na lang may isang lalaking nagmagandang loob na ituro sa amin kung saan mismo ang bababaan namen. Medyo mahirap din sumakay. Late na nga kami nakarating sa place. buti na lang hindi pa mismo nagsisimula ang program dahil hinihintay pa mismo si Den at ang ibang mga guest.  Muli uli kameng nagkita kita nila Nissan, Joan at Kuya Dennis(Joan's bf). Siguro, talagang kapag may special event na lang kami pwedeng magkita-kita. Sana muling makompleto ang Lorcans o di kaya ang buong BSIT-A. Hmmmm..kailangan kaya yun? Busy na rin kasi ang bawat isa at may kanya kanya na ring pinag kakaabalahan. 

Habang naghihintay kay Den at sa ibang guest, sinabihan kami na kumain na muna at dahil sa gutom na rin kame ay nagpaunlak na rin kami sa imbitasyon. Late ng nag-satrt ang program, naintindihan naman namin kung baket, malayo kasi ang place at pili lang din ang mga taong inimbitahan. Naging maayos at masaya naman ang birthday celebration ni Den. Anyway, isa ako sa mga 18 candles ni Den at nagbigay ako ng mensahe para sa kanya, halos kapatid na rin ang turing ko kay Den. Nakakatuwa na isang taon na naman ang binigay ng Diyos sa buhay ng batang ito, hindi na pala sya bata dahil dalaga na sya. LOL :)  HAPPY BIRTHDAY DEN!

Birthday girl, "Den"





Giving "Den" a birthday wish


Late night na rin ng magkayayaan kaming umuwi, sumabay na rin sa amin sina Joan. Nakakapagod ang buong araw na ito pero ayos lang sa akin, mas gustong kong madaming ginagawa kaysa nasa bahay lang ako at nakatunganga. Haha :) Thank you LORD sa buong maghapong pag-iingat sa akin. 





Wednesday, January 5, 2011

MOVIE WATCH: BURLESQUE


Burlesque is a 2010 Golden Globe award winning musical film directed and written by Steven Antin and starringChristina Aguilera and Cher. The film was released on November 24, 2010 in North America.

Cher and Aguilera contributed to the soundtrack album, with Aguilera contributing to eight out of the ten songs with Cher taking the remaining two. The album was released in the USA on November 22, 2010. The song 'You Haven't Seen The Last of Me', penned by Diane Warren and sung by Cher, won the Golden Globe Award for Best Original Song in 2011. [wikipedia]





Hindi ako big fan ni Christina Aguillera pero I do really love her powerful voice. I also love her songs dahilan na rin siguro ng impluwensya ng isang kaibigan na masasabi kong "certified die hard fan" ni Christina, his name is Ronnie. Actually he invited us to watch "BURLESQUE" na pinagbibidan ng kanyang idol. 

Sa Eastwood namen napag-usapang manood, gabi na ng kame'y umalis. Pagdating namen sa place ay bumili agad kame ng ticket for 5 people. Last Full Show ang balak namen panooran. May ilang oras pa kame hihintayin bago mag-umpisa kaya kumain muna kame sa Mcdo tutal ang iba samen ay hindi pa nagdidinner. Matapos kumain, dumaretso na kame agad sa sinehan.  Excited ang bawat isa especially si Ronnie.

I had fun watching this movie, Christina is so amazing, as a singer and also as an actress. Hindi mo mahahalatang ito ang unang sabak nya sa pag-arte, She's so talented, I love every second na nagpeperform  sya sa movie. For me, this movie is a must-see movie especially sa mga taong nangangarap. Well, panoorin nyo na alng para naman makarelate kayo sa sinsabi ko. Thumbs up for this movie. Sa totoo lang nung natapos  ang movie parang gusto ko ulit syang ulitin. :)






Hindi pa kami umuwi matapos ang movie, nag stay pa muna kame sa Eastwood at nag "Dairy Queen" ice cream pa.Hmmmm..yummy!! I had FUN!






Tuesday, January 4, 2011

Our Sweet Goodbye

Ngayong araw ang despidida ng isa naming ka-officemate, si Jan. Magdadalawang taon na sana sya ngayong darating na September pero dahil sa sitwasyon nya sa trabaho, minabuti na muna nyang magresign para na rin sa sariling kalusugan.

Bago pa man dumating ang araw na ito, naging abala ang bawat isa. Ako at si Charyl nag-isip ng concept at gumawa ng gift na ibibigay kay Jan, samantalang sina Rakee at Les naman ang nag-asikaso ng reservation sa Centerstage KTV. Si Eds naman ang nag-collect ng mga message( for Jan) ng iba pa namen mga ka-officemate, kailangan namen ni charyl ang mga mensaheng ito para sa gagawin naming gift.









Pagkatapos ng office hours, daretso kaming lahat sa venue. Malungkot man ang bawat isa dahil sa pag-alis ng isang kaibigan, naging masaya naman ang aming naging pamamaalam sa kanya. Dinaan na lang namen sa kantahan, sayawan at kainan.


Nakakatuwang isipin na nagustuhan ni Jan ang gift namin sa kanya, sa pamamagitan nun maaalala nya na minsan ay naging parte kami ng buhay nya. We surely miss this girl. Thanks Jan for being a part of our lives. Well, hindi naman siguro ito ang ating huling pagkikita, kaya ang ang mas magandang sabihin ay "SEE YOU SOON". :)



Sunday, January 2, 2011

Koolitz finally reunited

We do really miss Annnie's company, simula ng nag-asawa sya at tumira sa asawa nya hindi na uli kame nagkita at nakompleto. She's now pregnant at manganganak na ngayon buwan ng Pebrero. Now, we have a chance to meet her. Nasa bahay kasi sya ng parents nya dito sa Pasig. After mag lunch nagkita kta kame nila Mitch, Mores, Ron, Dan and Ate Mherl sa house at sabay sabay na pumunta kina Annie. Ang sayang isipin na makompleto ulit ang barkada.





Hindi pa rin nagbabago ang kaibigan nameng si Annie ganun pa rin ang mga banat nya. Anyway, nawa'y maging masaya sya sa buhay nya kasama ang kanyang asawa. Ngayong mag kakaroon na sya ng anak masasabing ganap na silang matatawag na pamilya. Hangad namen ang kanyang kaligayahan.. May ganun? LOL :) Kung 0san sya magiging masaya, magiging masaya na rin kame. Ganyan naman talaga ang tunay na magkakaibigan di ba? Nawa'y wag nyang  makalimutan na may mga kaibigan syang handang tumulong kapag may problema sya.


Hindi rin kami nagtagal kina Annie dahil may praktis pa ang choir ng 4:30pm. Mamayang 7:30pm ang last performance ng aming Christmas Cantata, this is the third time na magpeperform kami. Hindi kasi nakanood ang ibang members ng church kaya nagrequest ang ilan na ulitin ito. At sa pangatlong pagkakataon ay masasabi kong naging successful ang aming Christmas Cantata. Maraming salamat sa mga taong naging bahagi upang mangyari ito. Salamat sa mga bumili ng ticket at sa mga nanood. Nawa'y sa aming mga awitin ay naihayag namin ang tunay na kahulugan ng kapaskuhan. "HAPPY BIRTHDAY JESUS". I love you! :)

Guest Speaker (Pastor Toti) , Pastor Jo and Teacher Norma


THE CHOIR