Pages

Sunday, February 27, 2011

Just another Sunday!

Mag-iisang buwan na rin buhat ng bumili ako ng netbook using my HSBC credit card. Malapit na ang due date kaya kailangan ng magbayad para sa unang buwan. One options para makapagbayad ay thru BDO bank at dahil may ganung bank naman sa Sta. Lucia Mall dun na lang ako dadaretso pagkauwi ko galing church. Nang makauwi na sa bahay, inayos ko muna sa bag ang mga dadalhin ko pero gusto ko sana bago umalis ay kumain muna ng lunch kaso hindi pa ready ang sinaing. Gutom na talaga ako kaya wala akong nagawa kundi maghintay na maluto ang lunch namen. Saka na lang ako aalis kapag nakakain na, baka sa daan pa ako magutom at wala akong budget para bumili ng food. Balak ko lang talaga magbayad sa bank, and after nun ay uwi na.


Matapos maglunch, tinamad na akong umalis mag-isa kaya nagyayaya ako ng makakasama. Kasama ko sina Dan, ron, ate mherl and jonnel na pumunta sa Sta Lucia. Niyaya ko rin sina Topher and Cesar pero hindi sila sumama. Pagdating sa Mall, agad nameng hinanap ang BDO bank, nagtanung kame sa guard at agad naman kaming ituro kung nasaan ang banko. Hay!! sa wakas nakapagbayad na rin, next destination?? Globe store. Balak kasi ni Ate Mherl ipabukas ang GPRS ng iphone ng mother nya. Nagtanung uli kame sa guard, we asked if may Globe store ba sa Mall and he said na wala. Sinubukan naman namen magtanung sa isa sa mga cellphone store dun at sabi ng napagtanungan namen na hindi daw nabubuksan ang GPRS kapag china phone. Naglalakad- lakad uli kame, sunod na pupuntahan namen ay CD-R King, naghahanap kasi si Sardanni ng earphone para sa cellphone nya at bibili na rin ako ng keyboard/screen protector para sa laptop ko. Pagkatapos bumili , nagkayayaan kaming kumain at sa Maxx restaurant kami dinala ng aming mga paa. Well hati naman kame ni Ronnie sa gastusin kaya ayos lang din. This is my second time na gagamitin ang credit card. Gastos ko muna, saka na lang ako bayaran ni Ron kapag nagkapera na. Sarap ng kwentuhan habang kumakain samahan pa ng masarap na chicken ng Maxx at special na halo-halo.Yummy! Hindi na kami nagtagal pa sa Mall pagkatapos kumain, umuwi na rin kami agad. 























Pagkagaling sa mall, nagkayayaan pa kaming manood ng movie sa bahay. Dvd sana namen ang gagamitin kaso hindi gumagana ang video and audio kaya sa netbook ko na lang kame nanood, Apat na lang kami, may lakad kasi si jonnel kaya hindi na namen nakasama. Nag stream ako ng movie at "Here Comes the Bride" ang napili kong ipapanood sa kanila. Napanood ko na ang movie na ito pero gusto ko pa syang ulitin. Maganda ang movie na ito, talagang nakakatawa, pagsama-samahin ba naman ang mga magagaling ng komedyante ng Pilipinas eh. Hanga talaga ako sa husay ng bawat isa pero lubos akong humanga sa husay ni Angelica Panganiban. Para sa akin, sya ang higit na nangibabaw. Talagang nabigyan nya ng magandang pagganap ang kanyang karakter. Kung ako sa inyo try nyo na lang panoorin ang movie,hindi kayo magsisisi. 





Anyway, Nagustuhan naman ng mga kaibigan ko ang movie maliban kay Ronnie na tinulugan lang kame. Hay!! yaan mo na nga, pagod daw eh. Matapos ang movie, nag-stay pa muna ang tropa sa bahay bago na rin sabay sabay na umuwi. I really enjoy my Sunday, with God, with my Family and with my friends. Thank you po LORD! :)



Saturday, February 26, 2011

CLAY FEST 2011



Today is the 2nd Annual Philippine Polymer Clay Festival, which will be held in Cubao Expo. Actually 2 days sya mangyayari. Feb 24 & 25, and today will be the last day. Simula ng magstart kame ni charyl mag resell ng cute accessories made up of polymer clay, naging interesado na kame kung paano ito gawin. Kaya ng malaman namen na may Clay Festival na mangyayari we decided na pumunta tutal isang sakay lang naman ang mangyayari kung manggagaling sa lugar namen. I also invited my sister chaneth to come with us. We can use her talent if ever matuloy ang plano namen ni charyl sa business namen.


Alas tres pa lang ng hapon ay umalis na kame dahil alas kwatro ang start ng program. 5 minutes before four ay nakarating na kame sa venue. It's obvious na wala pa ang ibang exibitors dahil empty pa ang ibang table kung saan nila ilalagay ang kanilang mga clay creations. Iilan pa lang ang nakapag ready. Well, hindi na ko magtataka kung baket ganun, they are all filipinos, sa madaling salita "LATE SILA" LOL :)



THE BEAD LADY STORE




While waiting, tumingin tingin muna kame ng mga clay creations na naka display na. Wow! ang cucute nila, lalo tuloy kameng na-motivate na ipagpatuloy ang plano magbusiness. All we need to have is a proper training. Well, kaya rin namen gumawa ng tulad ng mga yun, mas cute pa dun. may "Chaneth" ata kame. LOL :)  

Ilang minuto din kameng naghintay bago mag start ang program. Nagsimula sya sa pamamagitan ng isang demo. Narinig namen na need pang mag-register sa mismong shop ng Beadlady store, malapit lang din sa lugar na iyon, para makasali sa kanilang raffle. pinatapos muna namen and second demo bago pumunta sa store, after magregister, binigyan kame ng papel. Nakalagay dun ang mga names ng exibitors. Actually it looks like a bingo card, nasa papel nga lang. All we need to do is to complete the signatures of all exibitors. papapirmahan lang namen sa kanila ang papel na yun, no purchase required. After matapos papirmahan lahat ay pinasa na namen ito agad, yun bali ang magiging entry namen para makasali sa gagawing raffle. Actually hindi talaga ako maswerte sa mga raffle raffle (asa pa ako!), maliban na lang kung lahat ay makakatanggap. Makakakuha talga ako. Hindi tulad ni chaneth na masasabi kong may kasamang swerte, baka mabunot pa nga sya eh. Pero subukan pa rin naten, wag mawalan ng pag-asa, malay nyo mabunot ako:)

Actually ang habol lang talaga namen dito ay workshop and unfortunately walang ganung nangayari, Free demos lang. Pero ayos lang, naging masaya naman ang aming pagbisita sa clay festival na iyon. Maliban sa free demo and shopping ay sinimulan na rin ang pa-raffle. Nakakatuwa kasi nabunot ang pangalan ni Chaneth, nakatanggap sya ng clay necklace. Well, hindi nga ako nagkamali sa sinabi ko, swerte talaga sya. Pwede ring nagkataon lang. LOL :) Anyway, samantalang si charyl naman ay nanalo ng Craft Time Magazine sa larong "Bring Me" ng ipadala sa kanya ang old twenty peso bill. Wala man akong naiuwi ay ayos lang sa akin. Sapat ng maranasan ko ang ganitong mga event. Hindi na namen tinapos ang program, mga 12 midnight pa kasi ito matatapos. Tsaka nakakaramdam na rin kame ng gutom ng mga oras na iyon, we need to have dinner na pero bago kame kumain ay nag withdraw muna ako. Sa Mcdo kame kumain, all time favorite fast food. LOL:) at Umuwi na rin kame matapos kumain. Hayzt, nakakapagod pero sulit naman. 

Regarding pala sa plano nameng business, ipagpapatuloy pa rin naman namen iyon pero kailangan muna namen ng capital, medyo may kamahalan ang mga kakailanganing mga materials sa paggawa ng clay and also kailangan din namen ng workshop. Hindi pwedeng sasabak na lang kame agad. May panahon din para sa planong ito. We really need to work with this. Pinapaubaya ko na kay God ang planong ito. Nawa'y magiging successful kame sa business na papasukin namen."TO GOD BE THE GLORY"

   

Saturday, February 19, 2011

Just celebrate!

This Saturday is so special because today is Jay-ar's birthday, one of our young people in our church. At para ma-celebrate ito,  alas kwatro pa lang ay nag-praktis na ang Music Team, usually kasi nag is-start kame ng alas sais.


Naging maayos naman ang aming pagpapapraktis. Ang lahat ay masayang tumutogtog at umaawit para sa Panginoon. Pasadong alas syete na natapos ang praktis, dumaretso kame agad sa bahay nila Jay-R. Natutuwa akong makita na ang bawat isa ay talagang pinag handaan ang araw na ito. Ang ibang young people pa mismo ang nagluto at  ang iba naman ay nag ambagan para bumili ng iba pang makakain, syempre hindi naman ako magpapahuli, hindi ako papayag ng walang maiambag. ;)














with birthday boy


Kahit medyo masikip ang bahay nila Jay-ar ay hindi naman ito naging handlang para hindi matuloy ang aming celebration. Anyway, bukod pa sa mga pagkaing aming inihanda, nagbigay din kami ng isang papel na puno ng mga aming mga mensahe. Pagkatapos ng kainan, pumunta pa kame sa ilog at dun tumambay. Hindi na rin kami masyadong nagpagabi dahil may simba pa kinabukasan.








Thank you Lord sa panibagong taong ibinigay nyo sa buhay ni Jay-ar. Sana sa munting selebrasyong ito ay napasaya namen sya at naipadama namin sa kanya ang aming pagmamahal. Ayiiiiii!!! Ang sweet talaga ng mga young people ng JBC. Hehe! :) "HAPPY BIRTHDAY JAY-AR!!"


Sunday, February 13, 2011

THE KICK OFF



Ngayon ang unang Linggo na muling mabubuo ang Young Pro, tinawag namen ang fellowship na ito na "THE KICK OFF". Nung dati kasi wala talagang fellowship ang Young Pro, once a year lang kasi kame nagkakasama-sama, yan ay kapag may Retreat lang. Ngayon, napagkasunduan namen na magkaroon ng fellowship, every second Sunday of the month. Nakakatuwang isipin na may  programa na para sa Young pro, pero para sa akin ang mas nakakatuwa ay ang muli itong mabubuo.


Si Ate Tin, ang dating namumuno sa Young Professionals, ngunit kabilang na sya sa ladies ngayon kaya muling nag-elect ang mga Young Pro. Bago pa lang ang araw ng election, marami ng kumukulit sa akin  na maging President pero hindi ko tinatanggap. Actually alam kong kaya kong mamuno, pero hindi ganun kadali yun. Siguro dahil na rin sa naranasan ko nang mga taon na ako ang president ng Young People. Kaya hindi ko muna tinanggap. Sa bandang huli, narealize ko na tutulungan naman ako ng mga kapwa ko officers ( Ate Anne, Sardanni at Ronnie) at higit sa lahat ni "GOD". Nakakatuwa lang isipin na may mga taong nagtitiwala sa iyo. Alam kong kaya kong maging mahusay na leader, yan ay sa tulong ng Panginoon. Hindi ko sasayangin ang tiwala na ibinigay ng mga kapwa ko Young Pro. Makakaasa silang gagawin ko ang aking responsibilidad.

Anyway,ang Young Pro officers ang naghanda ng program, games at bible drill. Si Teacher Norma naman ang nagbigay  ng mensahe. Samantalang sina Jeck at Paul ang sumagot ng aming kakainin. Blow out na rin ni Paul dahil nalalapit na rin ang kanyang kaarawan.isang bilaong pansit ang inihanda nila para sa lahat. 


Ang saya ng Fellowship namen, sana mas maging masaya pa sa mga darating pang mga buwan. Nakakatuwa na umabot kame ng higit sa sampu. Sana hindi kame makontento sa ganitong bilang, nawa'y naisin ng bawat isa sa amin na mas dumami pa ang makakilala sa Panginoon. 


Ang Panginoon nawa ang mag pala sa lahat ng aming gagawin sa taong ito at nawa'y hindi maalis sa isipan ng bawat na isa na kaya may mga gawain na ganito ay upang ang Diyos lang ang tanging  mapapurihan.




Saturday, February 12, 2011

"LOVE, COURT, MARRY" - the way God designed it to be


Maaga pa lang ay nasa church na ako. Ngayon kasi ang Love Conference, gawain ng young people for this month of February. 8:30 ako dumating ng church, at dadalawang bisita pa lang ang nadatnan ko. 9am ng umaga ang start ng program at isa ako sa mga mag-eemcee kasama si topher, pero kahit sya wala pa rin, usapan namen na kailangan maging maaga, naisip ko na baka sinundo nya pa ang kanya mga bisita. Sana hindi ma-late ang bisita ko, si Charyl ang bisita ko at sana makapunta sya. Hindi ko na sya nasundo dahilan na rin na kailangan kong maging maaga. 


Habang naghihintay, Nanalangin ako na nawa ay maging successful ang event na ito, na sana maraming makapunta. Sa totoo lang napakagandang gawain ito, tamang tama para sa buwan ng Febrero. Kung tutuusin, maswerte ang mga dadalo kasi sa halagang 50 pesos lang meron na silang breakfast, lunch at meryenda. Pero ang pinaka magandang makukuha nila ay ang mga bagay na matutunan nila about LOVE, COURT and MARRIAGE in the way God designed it to be.

Sarah and Denise in the Registration Area



Topher and Me as an Emcee

Pasadong alas nwebe na nag-simula ang program. Naging maayos naman ang takbo ng program. May mga awitan, konting Ice breaker. Masasabi kong naging masaya naman ang bawat isa especially sa pakikinig sa tatlong Pastor na nagsalita sa harap. At bawat isa sa mga pastor ay talagang may matutunan ka. 

Pastor Benjie discussed about "LOVE"

Pastor Michael discussed about "COURTSHIP"



Pastor Jonathan discussed about "MARRIAGE"



Question and Answer Portion

Pinaka magandang part ng program ay ang question and answer. Bago pa lang magstart ang program, nag bigay na kami ng maliit na paper para sa kanilang mga katanungan. kami ni topher ang nagbabasa ng questions habang sinasagot naman ng tatlong pastor na noon ay naka upo sa harapan. Naging masaya ang question and answer, nakakatuwa ang mga ibang mga katanungan, ang iba naman ay seryosong bagay na. 

Acknowlegdement of Speakers

Bilang pagtatapos, nagbigay kame ng certificate of appreciation sa tatlong pastors. Nawa ang bawat isa sa mga dumalo ay umalis na baon ang mga natutunan at tamang pananaw tungkol sa PAG-IBIG.