Pages

Monday, September 10, 2018

Last week, My coach monitored my class. I got 4.8 in my average score (5 as the highest score). Almost perfect right? I should be happy, but actually I'm not. I doubted my ability and began to ask myself: Am I deserving to get a high score? I still have a lot to learn and improve.

And then I read my morning devotion today, It's about "Seeking Wisdom". God spoke to me through His words- very loud and clear.

I was reminded that I should acknowledge the source of my blessing, the source of all things(including wisdom) --GOD--

Having a very good score is a blessing. I felt guilty about questioning myself. I should acknowledge and thank God first because technically my wisdom comes from HIM. 

If we believe whole-heartedly in the source, there is then no room for fear of doubt, for we know that "from Him and through Him and for Him are all things" (Romans 11:36)

Remember, God supply of wisdom, strength and guidance is certain. It is vast and abundant, and knows no bounds. And His limitless resource of wisdom is OURS to CLAIM. It's a promise and we must hold on this.

-einehc-

Saturday, April 2, 2011

SEO Team @ iblog7


We are on our way  to attend "The 7th Philippine Blogging Summit" at Malcolm Theater, UP College of Law, UP Diliman, Quezon City.  It's a two-day event and today is the first day of the seminar. Talagang nilaan namin ang araw para na ito sa seminar, we are supposed to be  in the office but there's no problem with that kasi nag change naman kami ng schedule. Yun lang, all our team ay...... "WALA".  LOL  :)

Maaga kaming nakarating sa venue and we need to register first pero mukhang nauna pa kami sa kanila. HAHA! EARLY BIRDS?? *clap*clap*clap*Alas nwebe pa daw ang registration at dahil hindi pa nakakapag-almusal ang iba sa amin, naghanap muna kami ng makakainan tutal maaga pa naman. OUR BREAKFAST?? PANCIT CANTON..hmmmmm..Yummy!!

After makapag-breakfast, dumaretso na kami sa event. Nagparegister na rin. Hayst!! No. 1 lang naman ang nakuha kung stub. Unang-una sa listahan. Nakakahiya, baka sabihin nila, excited ako sa event na ito. Well, hindi naman masyado..LOL. :)

Mr. Howie Severino,  one of the most well known veteran journalists of GMA 7 also speak in this event and he discussed about "Blogging in the Time of Facebook". Sayang lang, hindi kami nakapagpa-picture sa kanya. Haha!

This event is really successful. HIndi lang kami nabusog sa kaalaman, nabusog din kami sa mga pagkain inihanda para sa event na iyon. Paano ba naman, bigatin ang mga nag-sposor. GMA7 at TV5 ba naman eh! At ni singkong duling, hindi kami naglabas. Nakakatuwa kasi "ALL ARE FREE". 

Before the seminar ended, the new "SAMSUNG LED 9000" was introduced at nagkaroon din ng pa-raffle. Actually sabi ko nga, hindi ako masyadong swerte sa mga pa-raffle. Good thing because maraming item ang pina-raffle at nakakatuwa kasi nabunot ang name ko at nakakuha ako ng iblog7  T-shirt. "YIPEE" *saya *saya.  At bago tuluyang magsi-uwi ang lahat, mawawala ba naman ang picture taking?? ofcourse NOT! LOL :)

Nakakalungkot dahil we have to report for work tomorrow kaya hindi kami makaka attend  ng pangalawang araw ng seminar. :( We received text from HR, At first akala namin biro-biro lang , APRIL1 kaya ngayon, so possible na niloloko lang nila kami. haha! Pero totoo pala. Haha! Kita-kitakits na lang sa office tomorrow!

Thursday, March 24, 2011

Young Pro Outdoor Fellowship @ Starbucks Eastwood

Ngayon ang Outdoor Fellowship ng mga Young Pro, supposed to be naka-schedule ito nung  nakaraang linggo pero dahil sa request ng isang young pro ay inurong ito. Nag-agree naman ang ibang young pro kaya wala namang naging problema. 

Excited ako sa gawaing ito, halos ito ang unang pagkakataon na mag outdoor fellowship ang mga young pro. Actually, ilang araw ko din itong iniisip:  Kung saan lugar ba kami mag-iistarbucks, Panu ba kami magpapareserve para may maupuan, Anung gagawin namin programa, Sasama ba lahat ng Young Pro? (**SIGH**) Sana maging maayos ang lahat!


Bago pa man dumating ang araw na ito, nakapag decide na ko kung saan kami mag-outdoor fellowship. Naisip kong "baket hindi sa Eastwood?" tutal konti lang ang tao doon kapag hapon, siguradong may mapupwestuhan kami.

Alas tres ang usapan naming magkikita at bago pa man mag-alas tres ay nasa church na ang ibang mga young pro. May ibang wala dahil may mga lakad sila, nakakalungkot lang dahil hindi namin sila ngayon nakasama. Expected ko pa naman na marami kami ngayon. Well, mahirap talagang mag-expect. 

May mga ibang mga Young Pro na rin akong pinauna para maghanap ng mapwepwestuhan sa Eastwood. Mahirap na rin kasing walang mauupuan sa Starbucks. 

Nagcommute lang kami papuntang Eastwood, gusto sana ni Pastor na gumamit ng sasakyan pero napag-usapan na naming mga Young Pro na magcommute na lang dahil mas matipid. Kami pa kasi magpapa-gas kapag gumamit pa ng sasakyan.


Madali lang namin nahanap ang place na pupuntahan namin pero pagdating namin sa lugar ay hindi pa pala nakaayos ang aming mauupuan. Waaaah!! Pasaway! Although nakahanap nga sila ng mauupuan na sakto sa aming lahat ay hiwa-hiwalay naman ito. (SIGH) In the end, naayos din naman.


Nakaramdam talaga ako ng konting pagka-dissapoint pero nagpapasalamat na rin dahil naging successful ang gawain ito. Nagkaroon kami ng Bible Drill at Games and the very best part of our program is the message given by Pastor Jo. I'm so blessed sa message at sana ganun din ang ibang Young Pro.

Matapos ang fellowship, hindi pa muna kami umuwi nila Jeck, Paul and Ronnie dahil balak pa naming gumala habang ang ibang Young pro ay kasama ni Pastor na nagtaxi dahil meron pa silang discipleship, may ilan din naman nagcommute na lang.

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil natapos ang araw na ito. Now, I'm looking forward sa Young Pro Retreat in Baguio this coming April. Mukhang mahirap planuhin ang Retreat, pero alam ko naman sa sarili ko na kaya ko ito, may ibang young pro din naman akong katulong at alam ko na tutulungan ako ni God.


Ngayon na lang uli namin nakasama si Jesica sa galaan. Nakakatuwa dahil natalaga namang nakaka miss. Kwentuhan, picture dito, picture dyan. At nang magutom na ay nagkayayaang kumain sa MCDo at doon na rin itinuloy ang aming kwentuahn. Grabe! dami rin naming napag-usapan. I really enjoy their company. After namin kumain ay umuwi na rin kami. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Talagang enjoy naman!

Wednesday, March 23, 2011

YSA Experience

Today is Monday and supposed to be nasa work kami ni Charyl, nag change kami ng schedule para lang sa araw na ito. Ngayon kasi naka schedule ang aming Diamond Peel & Facial sa YSA (Robinson Branch). Sa Ensogo kami nakabili ng vouchers. Natutuwa talaga ako sa mga groupon sites dahil discounted mo mabibili ang mga services. I'm really so excited sa mangyayari at magiging result ng aming pagpapa-facial. Alas dos pa ng hapon ang schedule namin. Actually akala ko nga hindi na kami makakahabol sa schedule. Bago kasi kami pumunta sa Robinson ay may pinuntahan pa kaming importanteng bagay. I don't want to mention it here, I will keep my mouth shut for now. Siguro sa tamang panahon ko na lang babanggitin. I know God has a plan for me and I will let HIM control everything in my life. (**SIGH**) Ano man po ang mangyari, I will accept it with all my heart.

---Back to the topic---


Nakahabol naman kami sa ibinigay sa aming 15 minutes grace period. Hindi pa kami agad naasikaso dahil naglunch pa yung naka-assign na gagawa sa amin. It's LUNCH break at sa totoo lang gutom na kami ni Charyl kaya nagpaalam muna kami para maglunch.

Pantawid gutom lang ang kinain namin dahil limited lang ang time namin. Tukneneng at Takuyaki. Infairness, ang sarap talaga ng Takuyaki. Actually first time ko syang natikman nung minsang magkakasama kami ni Charyl at Lesley. Si Lesley ang nagpatikim sa amin ng pagkaing ito. Nung una akala ko hindi sya masarap dahil minsan na rin nasabi sa amin ng isang kaibigan na hindi maganda ang lasa ng takuyaki. In the end, narealize ko na iba-iba talaga ang panlasa ng tao. "May mga pagkain akong gusto na maaring hindi gusto ng ibang tao" o hindi kaya "may pagkaing ayaw ko na gusto naman ng ibang tao". Basta kami ni Charyl, na-eenjoy namin sa lasa ng Takuyaki. YUMMY!


Bumalik kami agad sa YSA pagkakain. We are so excited! Buti naman pagdating namin ay nandoon na rin ang mag-aasikaso sa amin. Bago gawin ang ibang procedures, pinaghilamos muna kami at may inilagay sa mukha namin. See our faces! LOL :)



This is not my first time na magpafacial, this is my second time kaya medyo alam ko na may pricking na gagawin. Medyo mabigat ang kamay ni Ate habang ginagawa ang procedure na ito, buti na lang nakaya ko naman ang sakit. Almost one hour rin kaming nakahiga, naramdaman ko na narelax talaga ako habang nagpapa-facial. I will definitely do this again.


Matapos sa YSA bumalik pa uli kami sa Takuyaki at bumili ulit. Haha! Kami lang naman ang mga nilalang na adik sa takuyaki. Haha. You can't blame us, talaga naman masarap ang pagkaing ito. Try nyo!

After this pumunta pa kaming BDO bank, need to pay our supplier para sa in-order namin. Actually, hindi na nga namin naasikaso ang business pero nakakatuwang nakakatanggap pa rin kami ng mga orders. :) Well, hindi rin kami nakapagbayad dahil sa offline daw. Bukas na lang nga ako magbabayad!


Medyo maaga pa para umuwi, gusto ko pang gumala pero dahil sa namamaga pa ang mga mukha. Magtatangka pa ba ako? Haha!




Saturday, March 19, 2011

Night @ Tia Margarita

Ngayong araw namin ini-schedule na gamitin ang voucher na binili namin sa PAKYAW.com. It is a Super Sampler & Margarita Pitcher @ Tia Margarita. Dahil sa lima kami, dalawang voucher ang binili namin. 

Actually, hindi pa namin alam kung san kami pupunta. In the end, hindi naman kami naligaw sa paghahanap, yun nga lang pabalik balik kami at nalito kung san ba ang CARPARK 1 at CARPARK 2. Sa pagtatanung namin ay nakita rin namin sa wakas ang hinahanap. 

Hindi ganun kalaki ang lugar nila. Halos siksikan na ang mga taong nandodoon kaya tuloy wala din kaming mapwestuhan. Hindi kami nakapag pareserve thru phone dahil hindi naman nakaindicate sa voucher na kailangan namin gawin yun. May mga iba kasing vouchers na kailangan pang magpareserve.  Nataon lang talagang marami ang tao ng pumunta kami.

Dahil sa wala pang mapwestuhan, lumabas muna kami at naghanap ng place na pagkakainan. Hindi pa kasi kami naghahapunan at hindi naman namin pwedeng asahan ang pagkain sa tia margarita na busugin kami dahil pang pulutan lang yun. 

Sa Tapa King namin napiling kumain. Halos katabi lang din ng Tia Margarita. Matapos kumain ay dumaretso na kami agad sa Tia. Baka sakaling may pwesto na para sa amin. Well, bago naman kami umalis ay nagpareserve na kami ng mauupuan kaya siguradong may pwesto kami pag dating namin. 


Actually hindi naman talaga ako umiinom, hanggang pulutan lang ako. Sumama lang ako para sa bonding naming magkaka-officemates minsan lang kasi sila magyayang lumabas.


Nag -try akong uminom ng Margarita..Hmmmmm...Ayos naman ang lasa,feeling ko nga fruit shake lang ang iniinom ko. Masarap sya pag may crushed ice pero once na pag natunaw ang yelo dun mo na malalasahan ang pait ng margarita. Anyway, nakaka-isang baso pa lang ako ay parang gusto ko ng matulog, inantok lang ako sa drinks. Inaasar tuloy nila akong lasing na. Well ang totoo, kapag grabe na talaga ang antok ko nagmumukha lang akong parang lasing. Hahaha..


Goodluck sa amin ni Charyl, may pasok pa kami bukas. :)

Wednesday, March 16, 2011

Topher's Night

Christopher's birthday celebration tonight! He's now 19 years old and this year is his last year for being a teen. I don't want to miss this important event kaya after makauwi ng bahay galing work ay dumaretso na ako agad sa bahay nila.

Well, Topher is one of my close friends at masasabi kong isa na rin sa mga itinuturing kong kapatid. Nagkakilala kami sa sa church at doon na rin nag-start aming friendship.

Anyway, He celebrated his birthday with us ( young people/young pro) .Nawa'y masaya sya ngayong birthday nya kasama kami.

"Happy Birthday Topher". God Bless you more!

Lets Get physical

Nakagawian na ng ibang kabataan ng JBC at ng mga Pastor. (Pastor Benjie at Pastor Michael) ang mag-jogging tuwing Sabado ng umaga. Ito ang unang beses kong sasama sa kanila kaya kailangan gumising din ng maaga. Maliban sa pag-jojogging, naglalaro rin sila ng basketball. 

Naglakad lang kami papunta sa Ever Gotesco. Mas matipid dahil hindi na kami namasahe, nakapag exercise pa kami.  Dun sila laging nag-jojogging at dahil may basketball court din sa gilid ng Mall ay dun na rin sila naglalaro. This time hindi man lang nila na-enjoy ang paglalaro ng basketball dahil may mga grupo ng matatanda ang sumingit. Kami naman ang nauna sa place pero hayaan mo na nga, pagbigyan na lang ang matatanda..Haha..Maghihintay pa sana kaming matapos ang laro pero mukhang malabo na makapaglaro dahil may grupo naman ng kabataan ang paparating. 
Sa halip na maghintay pa, naglaro na lang kami ng patintero. Mas Ok ito kasi kasali mga girls, kapag basketball lang kasi, taganood lang kami.

Anyway, ang saya ng laro namin. Ngayon na lang uli ako nakapaglaro ng patintero, namiss ko ito, parang ang sayang bumalik sa pagkabata. Haha! 

Dahil sa may pasok pa si Junnard, natapos ang laro ng hindi man lang kami nakahabol ang grupo namin sa score pero ayos lang ang mahalaga ay masaya kaming nakapaglaro. Waaah! ang sakit ng buong katawan ko. Nabigla ata! Ngayon na lang uli ako nakapaglaro at tumakbo ng ganun. Ito ang napapala ng hindi pag-stretching. Haha :)  


Lakad mode uli pauwi pero bago yun stop over muna sa mini-stop. Ice cream Time! yummy! Dahil sa hindi masyadong nakapaglaro ang mga kabataan at sina Pastor, sinubukan namin pumunta sa basketball court sa Lifehomes. Actually, Christian ang may-ari ng basketball court doon. At sa loob nun ay may church. 

Hindi na bago sa akin ang church na iyon dahil isa ang church na iyon sa bumubuo sa PYMA Area 5. Minsan na rin nakasama sa mga gawain ng PYMA ( Area 5) at kapag may mga meetings at events ang PYMA, ang church nila ang nasa top list ng venue.

Naging Officer (secretary) ako ng PYMA, kaya kapag may mga meeting kailangan present ako. At sa mga meeting na iyon, dun ko nakikilala ang ibang mga kabataan sa iba't ibang church.  Yun nga lang wala akong nakilala na mga kabataan sa church na ito. Wala rin kasing umaatend sa kanila kapag may meeting ang PYMA Area 5. H

Hindi na rin ako active sa PYMA kaya hindi ko na rin alam ang mga event ngayon. 


Nakapaglaro ng basketball sina pastor at ang mga young people. Siguro naman hindi na sila mabibitin pa. Haha! Naka-usap din ni Pastor Benjie ang Pastor dun. Kakilala din halos ng Senior PAstor namin ang Pastor na ito dahil magkakakilala lang din ang mga Pastor sa Area 5. 

Sa pag-uusap nila, na-open ni Pastor ang kagustuhan nyang magkaroon ng sport center sa kanila. 

I'm looking forward sa gawain ito. Nakakatuwang isipin na may makakasama kaming ibang church sa ganitong mga gawain.Layunin din nito na manghikayat ng mga kabataang hindi pa nakakakila sa Panginoon. Sana maging successful ang planong ito. Well, hindi naman malabong mangyari yun dahil halos ng mga kabataan ay mahilig sa SPORTS.

Nagpaalam na rin kami na uuwi, 


Nang gabi, magkakasama kami ng koolits at nagkayayaan kaming kumain. At first hindi namin alam kung san kami pupunta hanggang dinala kami ng aming mga paa sa "Eastwood". Haha. Ibang klase rin trip namin diba? Actually, nakapam-bahay lang yung iba sa amin. Haha. Sa Mcdo kami kumain and we ordered chicken fillet and we also tried MC Coffee's cakes...Hmmmm..Yummy!


Actually pumunta lang kaming Eastwood para kumain kaya matapos kumain ay umalis na rin kami kaagad. Wala na talaga kami balak mamasyal pa dahil naka pambahay lang talaga kami. NAkakahiya! Haha! Grabe! Pagod na pagod na ko! Gusto ko ng matulog! Namimigat na mga mata ko..